Friday, April 22, 2016
Para sayo kaibigan
Bawat tao ay may kanya-kanyang kaibigan na maituturing. Masasabi kongtunay na kaibigan ang taong iniiwas ka sa masama at pinapayuhan ka at dinadamayan sa oras ng pangangailangan. Meron akong natatanging kaibigan na maasahan at alam kong hindi ako dadalin sa kapahamakan. Sa unang araw ng pagsisimula ng klase kami nagkakilala mula noon lagi na kaming magkasama sa bawat assignment at project ay lagi kaming nagtutulungan at napatunayan kong tunay syang kaibigan ng oras ng aking pangangailangan ay agad nya akong tinulungan. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa pagkain. Hiraman din kami ng gamit kung kinakailangan at kahit na sa mahikling panahon lamang ang naging pagsasama namin masasabi kong sya ang tunay na kaibigan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment