[Verse:]:
Nung unang magkita
Talagang trip na kita
Laging tulala
Tinititigan ka
Makalipas ang ilang buwan
Na-inlove na ako sayo
Di na pinaliban pa nagtapat ngunit
Refrain:
Nagalit ka nang sabihin ko
Na mahal kita ngunit sabi mo'y
Hindi mo ako gusto
Dahil hindi tayo talo
Chorus:
Ang bobo ko talaga
Di ko nahalata
Leslie sya, ako tanga,
Pinaasa lang ako sa wala
Ang olats ko talaga
Di na ako nadala
Ang trip nya, chick pala
Wala tuloy akong napala
[Verse 2:]:
Nagpadala sa haka-haka
Akala ko tuloy tayo na
Ngunit hindi pala
Meron kang iba
Dehins ko pa alam nung una
Ngunit ako'y nagtanong sa'yo
Ano ba'ng meron siya na wala sa 'kin
Refrain:
At nagalit ka nang sabihin ko
Na mahal kita ngunit sabi mo'y
'Di mo 'ko gusto
Dahil 'di tayo talo
Chorus:
Ang bobo ko talaga
'Di 'ko nahalata
Leslie sya, ako tanga,
Pinaasa lang ako sa wala
Ang olats ko talaga
'Di na 'ko nadala
Ang trip nya, chick pala
Wala tuloy akong napala
Ad Lib:
Wala akong kaalam-alam
At wala rin akong kamuwang-muwang
At ni minsa'y di sumagi sa aking isip
O kahit na sa panaginip
Ngunit ako sa'yo ay nainip
Kaya't ang puso ay pinilit isingit subalit
Nang aking sabihin sayo
Ang lahat ay nagbago naglaho
Wednesday, April 27, 2016
Saturday, April 23, 2016
elections
El nino
Kaibigan
Meron isang lalaking nagngangalang jhon at may kaibigan syang si Justine ang kaibigan nyang itong ay tapat sa kanya at itinuturing nya rin itong isang bahagi ng pamilya nila. Nakatira sila sa iisang bahay magkasabay silang naliligo at pati sa pagkain ay nagsasabay sila.Paborito nilang manoud ng pelikula at magkatabi rin sa pagtulog.At kapag my problema si Jhon ay si Justine lang naman ang nagiging takbuhan nya at sinasabihan ng mga hinanakit nya.Kahit na tahimik si Justine ay okay lang sa kanya basta meron kaibigan na kasama nya sa oras ng pangangailangan nya.
Isang araw habang sila ay namamasyal sa isang parke hindi namalayan ni Jhon ang isang mabilis na paparating na sasakyan.Naramdaman na lamang nya ang isang malakas na pagbundol sa kanya at nakita si justine na nakahandusay sa gitna ng kalye.Dun na lamang nya napagtanto na si justine ang tumulak sa kaya para sya ay sagipin sa panganib na paparating sa kanya Hindi nya namalayan ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata.
Friday, April 22, 2016
Para sayo kaibigan
Bawat tao ay may kanya-kanyang kaibigan na maituturing. Masasabi kongtunay na kaibigan ang taong iniiwas ka sa masama at pinapayuhan ka at dinadamayan sa oras ng pangangailangan. Meron akong natatanging kaibigan na maasahan at alam kong hindi ako dadalin sa kapahamakan. Sa unang araw ng pagsisimula ng klase kami nagkakilala mula noon lagi na kaming magkasama sa bawat assignment at project ay lagi kaming nagtutulungan at napatunayan kong tunay syang kaibigan ng oras ng aking pangangailangan ay agad nya akong tinulungan. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa pagkain. Hiraman din kami ng gamit kung kinakailangan at kahit na sa mahikling panahon lamang ang naging pagsasama namin masasabi kong sya ang tunay na kaibigan.
Pantasya na gawa ko mag-isa
Minsan kapag ako'y nagiisa at habang tulala nangangarap na sana balang araw ako'y maging artista. Makasama ang mga iniidolo kong mga sikat makakwentuhan at maging kaibigan. Hindi naman masamang mangarap dahil ito lang ang libre sa ating buhay.
Masarap sigurong malaman na pinapantasya ka ng karamihan at marinig ang pangalan mong kanilang isinisigaw.At kahit saan ka man pumunta ikaw ay makikilala dahil sa mga sikat na pelikulang aking nagampanan maririnig ang maga pauri mula sa kanila at minsan naman mga hindi magagandang feedback.Ang mga pangarap natin ay hindi malabong mangyari lalo na at alam kong magandang lalaki ako hahahaha.......
Ang tunay na kalayaan
Masasabi mo bang ikaw ay isang malaya? Hind ko tinutukjoy ang kalayaan mo bilang mamamayan ng Pilipinas bagkus ito ay natutungkol sayo.
Para sa akin ang tunay na kalayaan ay malalaman kung nakalimutan mo na ang mga masasakit na bagay na iyong naranasan. Napatawad ang mga taongg nakasakit sa iyong kalooban. Hindi mo maiiwasan na ikaw ay masasaktan pero ito ay kailangang iwaksi mo para sa iyong kalayaan.
Ang puso ay natuturuan din
Sa " kantang mahal ko o mahal ako " sino ang pipiliin mo yung taong mahal ka at handang gawin lahat para sayo. Ibinibigay ang mga hinihiling mo at kagustuhan mo at kahit nasasaktan na dahil sa pag-iwas mo patuloy pa rin ang pag-ibig sayo. O ang taong mahal mo na may mahal ng iba at hindi ka napapansin dahil ang tanging paningin nya at atensyon nya ay nasa taong mahal nya. Ginagawa mo na ang lahat para sa kanya kahit na ikasira na ito ng iyong pag-aaral pero patuloy pa rin sa pagsnob sayo.Hindi mo ba napapansin na pareho kayo ng katayuan ng taong nagmamahal sayo at patuloy ang pag-iwas mosa kanya.
Paano ba Magmove-on
Isang salita lamang ang maibabahagi ko sa mga taong nahihirapan magmove-on ito ay kapatawaran. Kapatawaran sa mga kasalanan ng isang taong gumawa sa inyo ng ikinasakit ng damdamin. Mahihirapan ka kasing harapin ang taong ito lalo na kung hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga pangyayaring naganap sa pagitan ninyo. Hindi mo masasabing ikaw ay nakamove-on na lalo na kung nasasaktan ka pa sa mga bagay na nakapagpaalala pa sa kanya. Harapin mo ang buhay ng may kapatawaran at iwaksi ang mga bagay na ikinasasama ng iyong puso at ikinasisira ng iyong isipan.
Subscribe to:
Comments (Atom)







